MAY PAG-ASA SA PLASA

Nagbigay tayo ng amnestiya para sa mga hindi nakakabayad ng upa sa palengke. Ang mga tindahang naisara dahil sa kakulangan sa pagbayad ng upa ay ating ipinasubasta (auction) sa mga interesadong gustong magtinda. Sa labing pitong (17) stall o puwesto na naremata, labing anim (16) ang matagumpay na na-auction na at muling magbubukas ngayong taon.

Ayon rin sa opisina ng ating Business Permits and Licensing, noong taong 2022 mayroon lamang tayong 23 na mga bagong business establishments na nagparehistro.  At noong huling taon 2023, mula sa 23 ay tumaas ito sa 116 bagong mga business establishments ang nagparehistro. Ito ay malaking magandang balita para sa ikauunlad ng ating lokal na ekonomiya. Simula noong Agosto 2023 ay mahigit 178 na business establishments na rin sa buong bayan ang nainspeksiyon na ng ating Joint Inspection Team, ang BPLO, RHU, MENRO, BFP, Zoning at MTO. 

 Upang matugunan ang hinaing ng ating mga nagtitinda sa palengke tungkol sa mainit at hindi kaaya-ayang disenyo ng ating public market, ipinabago natin ang lay-out ng ating fish market. At para dumami ang pumapasok na kustomer o mamimili ay nagpagawa tayo ng mga bagong lagusan para mas komportable ang ating mga mamimili sa mas maayos na air ventilation.