LUNAD SA GUBATNON

inayos natin ang implementasyon ng pagbibigay ng prangkisa at MTOP at itinaas sa limang taon ang bisa ng rehistro ng mga traysikel. Ang ating Sangguniang Bayan ay nagpasa na rin ng bagong taripa ng singil sa pamasahe kung saan ang pamasahe ay awtomatikong itutugma sa galaw ng presyo ng gasolina upang hindi na kailangan ng pabago-bagong ordinansa. Nagpasa din tayo ng ordinansa na ang pagkuha ng taripa o fare matrix ng mga traysikel drayber ay libre na.

Sinimulan na rin natin ang pamamahagi ng mga libreng gulong para sa ating mga traysikel drayber o Ayuda para sa mga Parapasada. Kada taon dalawang beses na makakatanggap ng mga libreng gulong ang ating mga rehistradong traysikel drayber. 

Nagtalaga rin tayo ng mga bagong Public Safety Officer (PSO) na mga traysikel drayber din upang maiwasan ang mga dating nangongotong na traffic enforcer. 

Patuloy nating isinasaayos ang mga pasilidad upang maging kaaya-aya at produktibo sa lahat ng mga gumagamit, sa pangunguna ng ating  Municipal Engineer, Engr. Jovannie Tabirao, mas paiigtingin pa natin ang mga pagpapalawak at pagpapaganda ng ating mga inprakstraktura. Natapos na rin ang pagsasaayos ng Paradijon Pottery at ang ginagawang  bagong sports and fitness gym.

Nagkaroon din tayo ng Groundbreaking Ceremony sa Brgy. Bulacao sa gagawing gusali ng Day Care Center at ngayon ito ay natapos na at nagagamit na. Gayundin sa Brgy. San Ignacio para sa itatayong AA Slaughterhouse o bahay-katayan na ang karneng makakatay ay maaaring ibenta hindi lamang sa Gubat kundi sa buong bansa. Malaking tulong ito upang maitaguyod ang hanapbuhay ng mga nagkakarne, mapabuti ang sanitasyon sa pagkatay at mapataas ang kalidad ng pagkaing karne sa ating bayan at karatig-munisipyo, Natapos na rin ang pagpapagawa ng Line Canal sa Barangay Ogao, Naagtan at Cabiguhan.

  Sa ilalim ng ELCAC Program,  patuloy ang pagsasagawa ng Health Station sa Brgy, Villareal, Provision of Renewable of Energy-Based Electrification sa Brgy. Sangat, Rehabilitasyon at Pagpapaunlad ng Farm to Market Road sa Brgy. Tigkiw, Bentuo at Cabigaan, Pagbubukas ng Kalsada sa Brgy. Bulacao. 

Ngayon taon din sa ilalim pa rin ng ELCAC program ay inaasahan nating masimulan na rin ang pagpapagawa ng Farm to Market Roads sa Barangay Jupi, Nazareno at Union, ang pagpapakonkreto ng mga kalsada sa Barangay San Ignacio, Lapinig, Tabi, Villareal at Tagaytay gayundin ang pagpapagawa ng pathway ng Barangay Nazareno at Paco. Sisimulan na rin sistemang patubig o Water Supply System sa Barangay Bagacay, Dita, Lapinig, Nato, Ogao, Patag, Payawin at Rizal. Magtatayo rin ng Health Station sa Barangay Nato, Nazareno, Ogao at Paco habang papaunlarin naman natin ang mga Health Station ng Barangay Bagacay, Dita at Lapinig. Magsisimula na rin ang pagpapagawa ng mga health centers ng barangay Payawin at Rizal. Magpapatayo rin tayo ng mga bagong school building sa Barangay Paco, Bentuco at Cabiguhan.