Kabataan Angat Pa!

Sa sektor ng Sports at mga Kabataan,  sa ilalim ng programang Kabataan Angat Pa, ibinigay natin ang ating buong suporta sa ating mga manlalaro. Naiuwi ng koponan ng basketbol ang pangalawang puwesto sa nakaraang Kasanggayahan Basketball Tournament. Sa ginanap ding 1st Provincial Volleyball naiuwi ng mga lalaking kalahok ang kampeonato, samantalang ang mga babae ay naiuwi ang pangalawang puwesto. Nakipagtagisan din tayo sa 1st Kasanggayahan National Surfing Competition na nilahukan ng mahigit isandaang kalahok mula sa iba’t ibang bahagi ng ating bansa.

Nagbigay din tayo ng pinansiyal na suporta kina Ms. Vea Estrellado at sa ating mga local surfers sa kanilang nilahukang kompitisyon sa Samar at La Union at naiuwi ni Vea ang kampeonato sa Women’s Open Shortboard Division.

Para sa mga kabataan, naging bahagi din ng Ginubat Festival ang Summer Youth Camp na nilahukan ng mahigit isandaang mga kabataan mula sa iba’t ibang barangay ng ating bayan. Noong nakaraang buwan ng Mayo, nagkaroon din tayo ng programang Mathinik Basketball Camp sa mga batang lalaki at babae na may walo hanggang labing isang taong gulang. Bukod sa natututo sila sa larong basketbol ay nagkakaroon din sila ng dagdag kaalaman sa matematika.

At noong Nobyembre 2023, sa tulong ng ating Local Youth Development Officer (LYDO) Larry Arguelles ay nagkaroon tayo ng Sangguniang Kabataan Mandatory Training 2023 na nilahukan ng apat na daan dalawampung  (420) mga bagong halal na mga Sangguniang Kabataan ng buong bayan ng Gubat. 

#AsensoGubat