KUSOG LUSOG

Patuloy pa rin nating pinapalakas ang ating pagbabakuna na direktang isinasagawa sa bawat barangay habang umiikot ang ating Municipal Health Officer sa pagbisita sa ating mga mamamayan sa ilalim ng Familia Mo, Bisita ni MHO program. Noong nakaraang Disyembre 2023, kasama ang Gubat sa 5 Best performing Municipalities sa probinsiya para sa pagbabakuna laban sa tigdas para sa mga bata.