Ipinagdiwang natin sa Gubat ang ika-57 anibersaryo ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa pamamagitan ng pagsagawa ng isang ASEAN Day Fun Run na sinalihan ng mahigit 600 kabataan.
Ang ASEAN ay samahan ng mga magkakapitbahay na mga bansa na itinatag ng Pilipinas, Indonesia, Singapore, Malaysia at Thailand noong 1967. Layunin ng organisasyon ang pagkakaisa ng Timog-Silangang Asya.
#ASENSOGUBAT